BIGBANG gradweyt na lahat sa military! Taeyang at Daesung na-discharged na

Nakumpleto na ng BIGBANG ang kanilang military service at pinakahuling nakatapos sina Taeyang at Daesung.

Sina Taeyang at Daesung ay na-discharge na ngayong umaga ng November 10.

Taeyang at Daesung
Sina Taeyang at Daesung ng BIGBANG, kasama ang kanilang mga taga-suporta. (IG)

At dahil inaasahang dudumugin ng BIGBANG fans ang kanilang paglabas sa military ay binago ng Ministry of Defense ang orihinal na discharge location dahil isa ito sa mga lugar na binabantayan sa African Swine Flu (ASF) virus.

Napag-alaman sa mga naglabasang ulat na sina Taeyang at Daesung ay na-discharge sa Gyeonggi-do Yongin’s Ground Operation Headquarters sa Yongin.

Ang iba pang BIGBANG members na sina T.O.P at G-Dragon ay na-discharge na rin sa military noong July at October kaya kumpleto na ng grupo ang kanilang mandatory service.

Sa kanilang paglabas, sinalubong sila ng napakaraming fans at reporters.

Ayon kay Taeyang, hindi pa rin siya makapaniwala na natapos na niya ang kanyang military service.

“I think it was truly meaningful. I want to thank my fellow soldiers and my superior officers who spent 20 months leading me despite my shortcomings.”

Sinabi naman ni Daesung na marami siyang natutuhan partikular na ang pakikisama sa ibang tao.

“I also think that I learned a lot of things after entering the military. I felt a lot of emotions that I hadn’t experienced during my everyday life, and I think that I learned a lot about empathizing with other people.”

“To all of my fellow soldiers and superior officers who, even now, are working hard and toiling away to protect our country—I want to say I love you, and keep up the good work!,” dagdag pa ni Daesung.