BIGBANG fans at media pinadidistansya sa discharge nina Taeyang at Daesung

Kumpirmadong lalabas na sa military ang BIGBANG members na sina Taeyang at Daesung pero pinakiusapan ang kanilang mga fans na huwag nang pumunta sa kanilang discharge location dahil umano sa banta ng African Swine Flu (ASF).

Lalabas na sa military sina Taeyang at Daesung sa November 10 sa Military Ground Operations Command Center sa Gyeonggi Province sa Yongin.

BigBang
BIGBANG (IG)

Pero sa official statement ng YG Entertainment, pinakiusapan ang mga fans ng BIGBANG pati na ang media na huwag nang makisali sa pagsalubong kina Taeyang at Daesung.

“The military bases where they are serving are both in the border area where the African Swine Fever Virus has been detected, so a military representative has stated that their discharge location will be changed because both fans and reporters are expected to attend,” ayon sa statement.

Bukod umano sa AFS, limitado rin umano ang parking space sa naturang lugar kaya mas makabubuting huwag na lamang magpunta ang mga fans at mga reporters.

“Also, it is difficult to arrange parking spaces during their day of discharge at the Military Ground Operations Command Center.

The space infront of the base is also limited, so we would like to request that fans and reporters not visit, due to safety concerns.

“We would like to sincerely thank the fans who have been waiting for Taeyang and Daesung’s military discharge. We request for your understanding and cooperation,” pakiusap pa ng YG Entertainment.

Sina Taeyang at Daesung ay magkasunod na pumasok sa military noong March 2018.