Bianca Manalo, Sen. Win Gatchalian sweet sa Paris

Spotted si Senator Win Gatchalian at Ang Probinsyano actress Bianca Manalo na sobrang sweet sa Paris.

Nag-post si Bianca nitong Lunes ng kanilang romantic photo ng senador, habang nasa likod nila ang Eiffel Tower sa Paris, France.

Win Gatchalian Bianca Manalo

“Save the last dance for me.”, ang caption ng picture ni Bianca sa Instagram.

Kinumpirma ng beauty queen-turned-actress ang kanilang relasyon matapos mag-post ito ng kanilang picture na magka-holding hands noong November 2019.