Beyonce naglabas ng bagong Christmas collection

Maaga ang Pasko para sa fans ni singer Beyonce dahil sa paglabas nito ng kanyang holiday collection.

Kasama sa merchandise ay sweatshirts, T-shirts at accessories na may mukha ni Beyonce at lyrics ng mga sikat niyang kanta.

Beyonce Collection

Mayroon din ornaments, blankets at scarves na sakto para sa holiday season.

Maaari rin ipabalot ang iyong purchase sa exclusive wrapping paper na may mukha ni Beyonce.

Tuwang tuwa ang fans ni Beyonce at marami ang nag-comment ng “TAKE MY MONEY” at “Buying it all.”