Bestfriends naipit sa lockdown, nagkatuluyan

Nagkaroon ng lovelife ang mag-bestfriend na sina Jex Villar at Zaldy Faller ng maabutan sila ng lockdown bunsod ng coronavirus pandemic sa Baguio.

Sey ni Jex, 12 taon na niyang secret crush ang kanyang bestfriend na si Zaldy.

Dahil sila lang ang magkasama, mas nagkakilanlan pa ang dalawa at nagkaaminan ng nararamdaman na matagal nilang itinago.

Isang araw ay nagtanong si Zaldy ng “ano tayo na ba?” at doon nagsimula ang kanilang pagkaka-ibigan.

Nakabalik na ng Maynila ang magkasintahan at planong mag-date bilang official couple ngunit sarado pa ang pasyalan at dine-in restaurants dahil sa COVID-19.