Ben&Ben’s new single ‘Magpahinga’

Ni-release ng Ben&Ben ang kanilang latest single “Magpahinga.”

Nitong Biyernes, inanunsiyo ng grupo na availabe na ito sa lahat ng digital platforms, kasama ang Spotify at Apple Music.

Sa ngayon ay umabot na sa 400,000 views at kasama sa YouTube trending list for music.

Una nang sinabi ng Ben&Ben na ang kanta ay tungkol sa mga nakaka-experience ng burnout.

Kalaunan ni-reveal nila na ang kanya ay dedicated sa kapatid ng vocalists na positibo sa coronavirus.

Inilabas din ng nine-member band ang ‘Upuan,’ ang first single ng kanilang upcoming second album.