Ben&Ben nag-trending sa Korea

Nag-trending ang Filipino band Ben&Ben sa popular streaming service Melon charts ng South Korea.

“I can’t believe it. We’re trending #1 in South Korea,” tweet ng banda kasama ang screenshot ng Melon Realtime Search Chart.

Tingin ng Pinoy fans, dahil ito sa pagbanggit nina Kpop idols DAY6’s Young K at NCT’s Mark Lee sa kanilang V Lives na pinapakinggan nila ang ‘Leaves’ single ng banda.

“Thank you for appreciating ‘Leaves.’ We will listen to your music too,” post naman ng indie-folk pop band sa Instagram, kasama ang snippets ng dalawang livestream.

Ilan pa sa K-pop idols na nakikinig sa banda ay sina Red Velvet’s Wendy, NCT’s Renjun and Chenle, The Boyz, at ASTRO’s Cha Eunwoo.