Belmonte hinarang ang QMC Station ng MRT-7

Joy Belmonte MRT-7Ipinatigil ng Quezon City government ang konstruksyon ng bahagi ng Metro Rail Transit-7 (MRT-7) sa Quezon Memorial Circle (QMC) Station dahil nakakasira umano ito sa integridad ng parke.

Sa ipinalabas na statement ni Quezon City Mayor Joy Belmonte nagpalabas aniya siya ngtemporary cease and desist order sa construction ng MRT-7 partikular sa bahagi ng Quezon Memorial Circle Station matapos kumpirmahin ng ilang eksperto na makakasira ito sa kabuuan QMC na itinuturing na historical landmark.

Ang QCMC bukod sa isang makasaysayang landmark sa lungsod ay ginagawa rin itong pasyalan ng publiko sa mga espesyal na okasyon at nagsisilbi ring lugar para sa mga pangmaramihang pagtitipon hindi lang ng mga taga-Quezon City kundi sa marami pang bahagi ng bansa.