Dahil sa patuloy na kilos protesta sa Hong Kong binalaan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na umiwas sa mga pinagdadausan ng demonstrasyon para hindi madamay sa gulo.
“Follow the advisory to avoid joining protest actions, do not wear white or black clothes, and stay at home after work,” apela ni DOLE Secretary Silvestre Bello III.
Inilabas ng DOLE chief ang babala dahil sa patuloy na karahasang nangyayari sa demonstrasyon sa special administrative region.
Gayunman ay nilinaw ng kalihim na wala pang inilalabas na advisory ang Department of Foreign Affairs (DFA) o Philippine Overseas Labor Office sa Hong Kong para magpatupad ng deployment ban.
“No word yet (on deployment ban),” ani Bello.
Sa datos ng gobyerno ay nasa 180,000 ang mga OFW sa Hong Kong at mayorya sa mga ito ay nagtatrabaho bilang household service workers.
Hunyo nang sumiklab ang protesta sa dahil sa isinulong na extradition sa mainland China.