Bela Padilla, Kim Gun-Woo magtatambal sa movie

Makaka-loveteam ni actress Bela Padilla si Korean actor Kim Gun-Woo sa isang pelikula.

Ayon sa agency ni Kim na Good People Entertainment, kinumpirma nito sa kanilang official Instagram account na tampok ang 28-year-old actor sa pelikulang ‘Ultimate Oppa’.

Kim Gun-Woo Bella Padilla

Ang nasabing pelikula ay joint project ng Viva Entertainment, na humahawak sa career ni Bela, at Reality Entertainment.

Ang romantic-comedy film ay tungkol sa relationship ng isang manager ng Korean celebrity at Filipino Hallyu fan.

Nakilala si Kim bilang martial arts fighter sa 2017 ‘Fight For My Way.’