Bela Padilla lumikom ng P3.3M para sa street vendors

Bela Padilla street vendorsNangalap ng pondo si Bela Padilla para mga street vendors at iba pang informal workers na mawawalang ng trabaho dahil sa isang buwang community quarantine.

Inanunsiyo niya sa Twitter kagabi na ang target fund niya na P1 milyon ay naabot na.

Ngayong umaga, ibinahagi nito na mayroong nag-donate ng P2.2 million at umabot na sa P3.3 million ang kabuuan ng donasyon.

Nitong Lunes, March 16 ay nagbukas si Bela ng GoGetFunding page matapos ang kanyang pagkabahala sa mga street vendors na mawawalan ng kita dahil sa quarantine sa Metro Manila.

Magsisimula nang mag-canvass si Bela ng bigas at canned goods para mas maraming tao ang matulungan ng nalikom na donasyon.