Beauty queen sinuko ang korona para maging doktor

Bhasha Mukherjee Miss World EnglandBumalik ng United Kingdom si Miss World England 2019 Bhasha Mukherjee mula sa kanyang overseas charity work para ipagpatuloy ang kanyang pagiging doktor sa gitna ng coronavirus pandemic.

Nagpahinga ang beauty queen sa kanyang career bilang junior doctor matapos sumali sa Miss World pageant noong Disyembre 2019.

Dahil sa lumalalang sitwasyon sa UK, tinawagan ni Bhasha ang Pilgrim Hospital at sabihing gusto niyang bumalik sa kanyang trabaho.

Naka-self isolate na ngayon si Bhasha sa loob ng 1-2 linggo.

Ang kanyang specialization ay respiratory medicine.