“Sana kayo na lang.”
Ganito ang request ng netizens sa isang video kung saan ay magkasama ang dating loveteam na sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.
Isang video ang binahagi sa Instagram ni John Lloyd kung saan ay magkasama sila ni Bea na bumabati sa aktres na si Dimples Romana na nagdiriwang ng kanyang kaarawan.
Sabi ni @missviagmanliclic: Sana maging kau.
Hirit naman ni @itsmheepia1214: Grabe sana kayo na lang.
Kamakailan lamang ay naispatang magkasama sa isang date sina Bea at John Lloyd na nagpakilig din sa kanilang mga fans.