Bea Alonzo Vico Sotto

Nagkasama si Kapamilya actress Bea Alonzo at Pasig City Mayor Vico Sotto sa turnover ng donations para sa mga frontliners, na ikinakilig ng mga netizens.

Binahagi ni Bea sa Instagram ang pagbibigay ng relief bags at disinfectants ng kanyang charitable organization I AM HOPE sa garbage collectors at street sweepers ng Pasig City.

“Hi Mama! Nakilala ko na ang paborito mo! Joke,” caption ni Bea sa post, na galing sa linya ng hit film Four Sisters and A Wedding, kung saan anak siya ng tunay na ina ni Mayor Vico, si actress Coney Reyes.

“In line with Father’s Day, we intend to celebrate the fathers who choose to serve the community by cleaning the streets and picking up our garbage. MARAMING SALAMAT PO sa mga tatay na street sweepers at garbage collectors sa pagtulong sa ating kumunidad at sa pagttrabaho ng marangal para sa kanilang pamilya. From the I AM HOPE FAMILY, HAPPY FATHER’S DAY!”

Nag-comment naman si Vico sa post ng actress, na nagpapasalamat at nag-congratulate sa bumubuo ng organization.

“You’re welcome. We, at I AM HOPE, are so inspired seeing how the people of Pasig look up to you and respect you. Thank you for the worth.” reply ni Bea.

Ilang netizens at celebs ang kinilig sa dalawa gaya nina Dimples Romana, Janus del Prado at talent manager Noel Ferrer.