Bea Alonzo nakalikom ng P9 million sa COVID-19 relief

Nakalikom ang charity organization ni Kapamilya actress Bea Alonzo ng P9 million cash and in-kind donations para sa COVID-19 relief.

Ang I Am Hope ay organization na ginawa ni Bea kasama ang kanyang kaibigan at producer Rina Navarro.

Miyembro din ng organisasyon sina “It’s Showtime” host Vhong Navarro, actor Laurence Mossman, Tricia Canilao at May Militante.

Ayon sa aktress, nasa 44 ospital at 36 communities na ang natulunga nila, at nagpapasalamat ito sa mga nagbigay ng donasyon.

Unang naging misyon ng I Am Hope ang magbigay ng tulong sa mga frontliners sa pagbibigay sa kanila ng personal protective equipment, food atmedical supplies.

Sa ngayon ay magpapakain naman sila ng komunidad at tutulong sa kanilang kabuhayan ngayong quarantine period.