Bea Alonzo kinarir charity work

Seryoso sa pagtulong sa mga nangangailangan ang aktres na si Bea Alonzo.

Sa IG post ng actress ay kanyang ibinahagi ang pagsali ng kanyang ‘I am hope’ team sa isang webinar na pinangasiwaan ng DSWD.

Anang aktres nakibahagi ang kanyang team sa orientation webinar para sa public solicitation.

Ayon sa aktres masaya siyang nadagdagan ang kanilang kaalaman para sa mga panghinaharap nilang mga proyekto sa komunidad.

Ang grupo ni Bea ay aktibo sa pagtulong ngayong panahon ng pandemya.