Bea Alonzo Dominic Roque

Spotted ang rumored couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque na magka-holding hands sa isang photo.

Sa Instagram post ng kaibigan ni Dominic na si Raniel Resuello, binati niya ang aktor sa kaarawan nito kasama ang photo nilang tatlo.

“Happy birthday brother @dominicroque! Enjoy kayo team #TiNik tayo,” caption niya.

makikita sa litrato na sweet ang dalawa habang magka-holding hands. Maraming netizens naman ang nag-comment at kinilig sa nasabing post.

Sa ngayon ay nasa California, USA ang dalawa para magbaksyon.

Nagiging bukas na sa publiko ang kanilang relasyon at inaantay na lamang ng fans at netizen na inanunsiyo ng dalawa officially ang kanilang relasyon.