Bday treat! Jeremy may pasabog kay Pia

Hindi nagpatalo ang rumored boyfriend ni dating Miss Universe Pia Wurtzbach na si Jeremy Jauncey sa paandar sa birthday ng GF.

Kung noong bday ni Jeremy ay ibinahagi ni Pia ang kanilang mga sweet moments, ay kakaibang eksena ang binahagi ni Jeremy sa mga naging ganap kasama nya ang beauty queen.

Mga larawan at video na nagpapakita ng isang ordinaryong Pia.

Karamihan sa kuha ni Pia ay wala itong make-up gayunpaman ay mukhang mas mahal sya ni Jeremy sa ganung anyo. Si Pia ay nag-celebrate ng kanyang ika-24 birthday ngayong araw, September 24.