Bb. Pilipinas 2020 postponed muna

Binibining Pilipinas logoInanunsiyo ng Binibing Pilipinas Charities Inc. na ang 2020 pageant ay postponed dahil sa coronovirus pandemic.

Inihayag nito mare-reschedule ang pageant ayon sa alituntunin na ilalabas ng gobyerno.

“BPCI recognizes the pressing and urgent need to protect the health and safety of the candidates, their families and friends, all the passionate pageant supporters, and the general public.

Mindful of the potential and serious risks, BPCI has decided to postpone the Binibining Pilipinas 2020 Pageant indefinitely.”

Unang naka-schedule ang patimpalak noong April 26, ngunit inusog ito ng May 31 sa pagdeklara ng enhanced community quarantine sa Luzon.

Sa ngayon ay wala pang desisyon ang pamahalaan kung magkakaroon ng extension ng modified ECQ o ibaba na ito sa general community quarantine sa Maynila sa katapusan ng Mayo.

Ang Bb. Pilipinas ang naghahanap sa susunod na representative ng bansa para sa Miss International, Miss Supranational, Miss Intercontinental, Miss Globe, at Miss Grand International.