Bilang pasasalamat sa mga medical professionals na nalalagay ngayon sa panganib para tugunan ang health crisis na dulot ng coronavirus, ilang restawran at coffee shops ang nagpaabot ng libreng inumin at pagkain para ipakita ang kanilang pasasalamat.
Kabilang sa mga nagpadala na ng tulong sa ilang ospital ang Coffee Bean and Tea Leaf (CBTL), Rue Bourbon Restaurant at Kanto Freestyle.
May naghihintay naman na libreng turon at bottled water sa SM Supermarkets para sa mga doktor at nurses habang ang Pino Restaurant Pipino at Pi Breakfast and Pies ay nag-aalok ng libre at unli coffee sa lahat ng medical staff at scientists mula pa kahapon, March 14.
Ayon kay Vincent Juanta ng Kanto Freestyle group, nakapagpadala na sila ng food packs sa Asian Hospital, Rizal Medical Center, Medical City, a St. Luke’s BGC, Manila Doctors, Amang Rodriguez Medical Center, East Ave Medical Center, Cardinal Santos, Philippine General Hospital, at RITM.
Nangako naman ang The Plaza Catering na mula March 16, magpapakain sila ng 400 frontliners tulad ng mga doktor, narses at iba pang medical professionals na wala nang oras lumabas ng ospital para bumili ng pagkain.
Ang lahat ng tulong na ito ay bilang pasasalamat at upang maipakita sa mga medical workers na sila ay mga bayani na nangangailangan ng suporta ng lipunan.