‘Bawal Lumabas’ best quarantine song — Ellen

Gumawa ng acoustic version si Ellen Adarna ng accidental hit song ni Kim Chui na ‘Bawal Lumabas.’

Sa kanyang recent Instagram post, tumutugtog ng piano si Ellen habang kinakanta ang viral song, na tinawag niyang general community quarantine theme song.

“The best quarantine soundtrack,” sey ni Ellen.

Ang ‘Bawal Lumabas’ song ay sumikat matapos gawan ng remix ang classroom analogy ni Kim nitong nakaraang buwan.