Bato ‘di nagpatalbog kay Digong sa SEA Games

Kung viral ang dance move ni Pangulong Rodrigo Duterte sa opening ng Southeast Asian Games (SEA Games) hindi naman nagpatalbog dito ang kaalyadong si Senador Bato Dela Rosa.

Kumalat sa social media ang dance move ni Bato na tinawag na ‘chicken dance’ ng netizens.

Kinantiyawan din itong ‘Mr.Clean’ sa social media dahil sa kanyang hitsura.

Ayon pa sa isang nagkomento swak na swak umano ang dance move ni Bato para gawing ‘meme’.

Makikita sa social media ang nasabing video ni Senador Bato habang nagtsi-chicken dance na umaani na ng sangkatutak na likes, comment at share.