Viral ngayon ang post ng teacher na si Mary Rose Rosales tungkol sa letter ng kanyang estudyante.
Nakatanggap umano ng sulat si teacher Mary Rose sa kanyang grade one student na kanyang ikinagulat dahil sa nilalaman nito.
“I love you teacher mary rose, sana hindi ka mamatay,” na mayroon pang drowing na mga puso.
Sabi naman ng guro, sweet ang naturang bata dahil lagi siyang niyayakap nito kapag papasok siya sa classroom.
Mayroon ng 170,000 reactions at 123,000 shares ang nasabing post.