Barretto war nagawan ng emoticon

Sapaw lahat ng malalaking balita sa awayan ng mga Barretto.

Dahil sa kasikatan ng giyera ng magkakapatid na Barretto ay may isang emoticon na naimbento.

Ito ay tinawag na ‘Marjiticon’ na kahilera ng iba’t ibang emoji.

Barretto emoticon
Barretto emoticon

Ibinahagi ito sa Facebook ng netizen na si Jherre Molina.

Ang Marjicon ay nabuo matapos na paglaruan ni Gretchen ang mukha ni Marjorie sa guesting nito kay Karen Davila sa ABS-CBN at niresbakan ang kapatid.

Ang pagkaka-imbento ng emoticon ay isang patunay na tutok ang taumbayan kaya maari itong humabol bilang balitang ‘newsmaker of the year.