Barretto sisters nagsanib-puwersa sa COVID-19 fundraising

Naglunsad ng online fundraising sina actress Julia Barretto kasama ang kanyang mga kapatid na sina Dani at Claudia para makapagpatayo ng quarantine facility sa Fe Del Mundo Medical Center sa Quezon City.

Ang nasabing facility ay para mabawasan ang overcrowding na isa sa problema ngayon ng maraming ospital.

Ngayong na-extend ang community quarantine, maraming na-realize si Julia na nagbigay sa kanyang ng bagong perspective sa buhay.

Isa na rito ang mga moments na na-taken for granted, at pagtitimbang sa mga bagay na dapat mas pahalagahan at bigyan ng pansin.