Barkong sasakyan ng OFWs sa Middle East nakaporma na sa Tripoli

Wala nang masasakripisyong mga Pinoy worker sakaling tuluyang sumiklab ang giyera sa Middle East.

Ito ang tiniyak ng Department of Foreign Affairs sa pamamagitan ni Ph Ambassador to Libya Elmer Cato.

Ayon sa opisyal ang kaligtasan ng mga Pinoy worker sa Middle East ay magagarantiyahan ng gobyerno.

Sa Twitter post ni Cato ay ganito ang kanyang tinuran:

“It’s good to know we have one of our vessels near Tripoli, Sir. We might just have a need for it in case situation here escalates further and the safety and security of Filipinos could no longer be guaranteed. Exit by sea is one of our options.”

Ang tensyon ay sumiklab sa Iraq dahil sa nangyaring pagpaslang sa pinakamataas na opisyal ng militar sa Iran ng US forces sa umano’y utos ni US President Donald Trump.