Viral ang fake news na nagsasabing hiwalay na sina Kapuso couple Barbie Forteza at Jak Roberto.
Ang nasabing pekeng FB page ay magkamukha sa itsura ng logo ng Inquirer.net.
Mayroon pang artcard na nagpapaliwanag kung bakit naghiwalay ang dalawa dahil sa kanilang exchange gift.
Agad na pinost ng Kapuso actress sa kanyang Twitter account ang nasabing fake news.
“125 Reactions, 25k Comments & 68k Shares and counting… To whoever made this, you’re welcome,” caption niya.
Naglabas na din ng official statement ang Inquirer.net na wala silang ugnayan sa nasabing Facebook account at aniya, isa itong parody ng kanilang official FB account.