Barbie Imperial inireklamo ng PA kay Tulfo

Sa episode ng “Wanted Sa Radyo” ni Raffy Tulfo, inireklamo ng kanyang dating personal assistant ang isang teen actress dahil pinagbintangan umano ito magnanakaw.

Sa YouTube video na may pamagat na “SIKAT NA YOUNG ACTRESS, INIREKLAMO NG KANYANG P.A.!”, tinawag na alyas “Manika” ang nasabing aktres na siya naman Filipino word ng “Barbie.”

Barbie Imperial
Barbie Imperial (IG)

Isa pa sa mga clue na ibinigay ng show ay na-feature umano ang aktres sa isang kalendaryo, at matatandaang calendar girl ngayon si Barbie Imperial ng Tanduay.

Dagdag pa ng dating PA ng aktres, mababa sa minimum ang sinasahod niya na P7,000.

Nakausap ni Tulfo ang aktres at babayaran na lamang ang kulang na suweldo ng dating PA, ngunit walang sapat na ebidensiya na magsampa ng cyberliber ito laban sa kanya.