Barbie Forteza, Jak Roberto nagkita matapos ang 3 buwan

Nagkasama na ulit ang young celebrity couple Barbie Forteza at Jak Roberto matapos ang tatlong buwang enhanced community quarantine.

“Sa wakas, after a 3-month lockdown, nakabisita din,” post ni Jak sa kanyang Instagram.

Syempre, ang una nilang ginawa ay gumawa ng TikTok video!

“Mas gwapo pa rin sa personal,” sey naman ni Barbie sa video nila na pinost niya sa IG.

Marami ang kinilig sa muli nilang pagsasama, kasama na ang kanilang mga celebrity friends na sina Mikee Quintos, Rodjun Cruz, Kate Valdez, at Mark Bautista.