Barbie Forteza, Jak Roberto nag-celebrate ng 3rd anniversary

Nag-celebrate sina Kapuso stars Barbie Forteza at Jak Roberto ng kanilang third anniversary bilang couple nitong Martes, May 19.

Nagbigay sila ng sweet messages sa isa’t isa sa Instagram na ikinakilig ng kanilang mga fans.

Barbie Forteza Jak Roberto

Binahagi ni Barbie ang throwback photo nila ni Jak na magkahalikan sa Sapporo, Japan.

“You boost me up when I feel insecure. You put my feet back on the ground when I fly too high. You support me in everything that I do. You don’t judge, you accept. You love, and you love and when it all feels overwhelming… you love more. Happy 3rd Anniversary, @jakroberto I love you,” sey ng aktres.

Nag-share naman ng funny video nilang dalawa si Jak para sa kanilang anniversary.

“Happy 3 years Madam! Dati crush lang kita, akalain mo yun 3 years na! Sayang di tayo makapagcelebrate alam mo na,” na tinutukoy ang sitwasyon dahil sa coronavirus.

“So paano sa May 19, 2021 nalang?  Stay at home muna tayo! I love you so much  P.S eto yata ang pinaka-sweet na kuha natin sa isa’t-isa.” dagdag pa nito.