‘Bakla’ hindi dapat gamiting insulto – Ben&Ben

Sinagot ni singer-songwriter Paolo Guico ng Ben&Ben ang ilang Pinoy netizens tungkol sa gender identity and expression, sa pagsuot nito ng dress.

Nag-post ng selfies si Paolo habang nakasuot ng dress, at ang isa naman ay nakasuot ng casual shirt at pants na may caption na, “Be comfy in your own skin.”

Dalawa araw matapos ang kanyang post, binahagi niya sa Twitter ang kanyang sa stand sa gender exppression at ang outdated perception nga karamihan sa mga Pinoy.

“Never assume anyone’s gender based on the clothes they wear. Hay Pilipinas, ang layo pa natin,” sey niya.

“Higit pa rito, mali ang mag-assume na ang isang bagay o gawain ay panlalaki o pambabae lamang.”

“Kids, be free to be yourselves. Don’t let anyone bring you down.”

Inanyayahan naman niya ang kanyang mga followers na itigil ang paggamit sa salitang ‘bakla’ para mang-insulto.

“Sana’y makamove-on na tayo bilang bansa sa paggamit ng ‘bakla’ bilang insulto. As a heterosexual male, I may not be in the place to speak for them but, I will fiercely fight for our LGBT friends and listeners. You are valid, accepted and loved. Pilipinas, let’s grow up!”

Hindi ito ang unang beses na nagpakita ng suporta si Guico sa queer community kasama ang ka-bandang Ben&ben.

Ang kanilang music video na “Maybe the Night” at “Fall” ay nagpapakita ng lesbian couple at kanilang romantic love.