Bagong silang na sanggol pinakabatang namatay sa COVID-19

Isang sanggol na edad 29-araw ang pinakabatang namatay sa coronavirus na mula sa lalawigan ng Batangas.

Ayon kay Health undersecretary Maria Rosario Vergeire dinala ang lalaking sanggol matapos makaranas ng kahirapan sa paghinga.

Na-diagnose ang sanggol na nagkaroon ito ng pneumonia.

Namatay ang bata sa sepsis dahil sa malubhang respiratory infection.

Sa ngayon ay nasa 5,223 na ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa at 335 nito ay namatay.