Bagong PNR trains pinagbabasag

Trending sa social media ang pictures ng bagong Philippine National Railways o PNR trains kung saan makikita ang basag na mga salamin nito.

Nito buwan lamang ng Disyembre unang napalitan ang tren ng PNR matapos ang napakahabang panahon.

Ayon sa report, matapos gamitin ang mga bagong tren, 14 insidente na ang naitala ng pagkabasag ng salamin sa loob lamang noong Disyembre 2 hanggang 21 ngayong taon.

Hindi umano madaling mahuli ang mga salarin sa pamamato dahil agad umanong nagtatago ang mga nito, saad ni PNR OIC spokesperson Crissy Ecalnea.

May nahuli na sila umanong nambato sa tren ngunit ito ay menor de edad at hindi maaaring ikulong.

Pagbabayarin ng pamunuan ng PNR ang sinumang mahuhuling mambabato o mananabotahe sa tren.