Bagong kulay ng Manila Bay, dahil sa polusyon

Nag-viral noong March 25 ang ilang litrato ng Manila Bay na kulay turquoise ang tubig.

Ayon sa ilang netizens, ‘natural healing’ umano ito ng kalikasan, ngunit ang iba ay may duda dito.

Ngayon, kumpirmado na ang nasabing phenomenon ay dahil sa mataas na water pollution sa lugar.

Sa post ng PHL Microsat, makikita sa satellite images ng European Space Agency’s Sentinel-2 and Sentinel-3 na mataas ang water pollution at algae sa Manila Bay.

Sa nasabing litrato, mataas na ang turbidity at chlorophyll-a concentration noon pang Marso 23, ngunit mas lalong tumaas ang turbidity ng tubig noong Marso 25, kasabay ng pag-iiba ng kulay ng dagat.