Bagong BTS merchandise ilalabas sa December

Ang bagong merchandise ng BTS na “2020 Season’s Greetings” ay ilalabas sa December 19.

Magsisimula ang pre-order sa November 5 hanggang November 11.

BTS Merchandise

Ang concept ng kanilang photoshoot ay “LIGHT” na makikita sa calendar, ring diary, photo ID at mini poster.

Mayroon din DVD na naglalaman ng 55-minute behind-the-scenes ng kanilang photoshoot at mini awards ceremony para mag-celebrate ng kanilang success sa nagdaang taon.