Bae Suzy niregaluhan ang team ng luxury items

Para sa 10th anniversary niya sa entertainment industry, nagkaroon ng free online concert si Bae Suzy titled “Suzy: A Tempo.”

Ginanap ito nung Sabado, January 23 na dapat ay noong December 2020 pero na-postpone dahil sa COVID-19 restrictions.

Sumayaw ng Miss A medley, at kumanta ng ilang acoustic covers si Suzy, at bonus performance ng original soundtrack ng latest K-drama ‘Start Up’ na kanyang pinagbibidahan.

Para pasalamatan ang bumubuo ng kanyang concert team ay niregaluhan ng singer-actress ang mga ito ng luxury pieces from Dior!

Simula sa dancers, live band at kanyang stylist at make-up ay artist ay nakatanggap ng regalor from Dior muse.

Ilan sa mga items ay wallets, card holders at J’ADIOR chokers at iba pa.