Nag-perform ang Backstreet Boys na kanilang hit song na ‘I Want It That Way’ online na alay nila para sa mga COVID-19 frontliners.
Ang online music event ay hosted ni singer-songwriter Elton John para suportahan ang mga lumalaban sa paglaganap ng coronavirus.
Nag-perform sina Nick Carter, AJ McLean, Howie Dorough, Kevin Richardson at Brian Litrell sa kani-kanilang bahay. Ilan pa sa nakilahok sa online concert ay sina Alicia Keys, Billie Eillish at Mariah Carey.