Babaeng opisyal ng DOLE in-ambush, sasakyan pinaulanan ng bala

Ang sasakyan ng lady official ng Department of Labor and Employment (DOLE) na pinaulanan ng bala sa Malate, Maynila kahapon.

Kinilala ang biktima na dead on arrival sa ospital na si Helen Dacanay.

Nakaligtas naman ang kasama ni Dacanay sa sasakyan ng riding in tandem sa Malvar Street, Malate.

Inaalam pa ng Manila Police District (MPD) ang motibo ng pananambang sa DOLE official.

Nanawagan naman ng hustisya si DOLE Sec. Silvestre Bello sa pagkamatay ng tauhan.