Azkals James Younghusband magre-reretire na

Inanunsiyo ni Azkals star James Younghusband ang kanyang pagreretiro sa football.

Binahagi ng 33-year-old football athlete ang highlights ng kanyang career sa Facebook.

“Time to say goodbye. Thank you for the amazing memories. I have loved playing this game,” caption ni James.

Pinasalamatan niya rin ang mga taong tumulong sa kanyang karera.

“I feel lucky to have experienced wonderful memories and thankful for every moment of my time with my clubs and country,” dagdag pa nito.

Nag-retire na rin ang kanyang nakababatang kapatid na si Phil noong Nobyember.