Ayuda at tulong pinansyal ng gobyerno sa panahon ng quarantine (Part 2)

Inaabangan na ng 18 milyong mahihirap na Pilipino, lalo na ng mga daily wage earners, na apektado ng expanded community quarantine ang pamumodmod ng emergency cash subsidy o assistance mula sa Malakanyang.

Makakatanggap ang mga mahihirap na pamilya mula PHP5,000 hanggang PHP8,000 kada buwan sa loob ng dalawang buwan.

Ang mga kwalipikado sa Social Ameliorization program na ito ay ang mga sumusunod:

1) Senior Citizen

2) PWD’s

3) Pregnant woman

4) Solo Parent

5) OFW (distress at repatriated)

6) Indigeneous people

7) Homeless people

8) Farmers

9) Fisherfolks

10) Self employed

11) Informal Settlers

12) Lahat ng mga Pilipinong NO WORK NO PAY (gaya ng driver, kasambahay, construction worker, labandera, manikurista, atpb)

Laman ang nasabing ayuda ng Republic Act 11469, or the Bayanihan to Heal as One Act na nagkabisa noong Marso 24, 2020.

Sa National Capital Region ay PHP8,000 ang matatanggap ng bawat pamilyang mahirap.

Part 1: https://chos.ph/ayuda-at-tulong-pinansyal-ng-gobyerno-sa-panahon-ng-quarantine-part-1/

Part 3: https://chos.ph/ayuda-at-tulong-pinansyal-ng-gobyerno-sa-panahon-ng-quarantine-part-3/

Part 4: https://chos.ph/ayuda-at-tulong-pinansyal-ng-gobyerno-sa-panahon-ng-quarantine-part-4/

Part 5: https://chos.ph/ayuda-at-tulong-pinansyal-ng-gobyerno-sa-panahon-ng-quarantine-part-5/