Ayaw magpa-test sa coronavirus ng model at dating “Dancing with the Stars” winner Nyle DiMarco kahit ramdam niya ang lahat ng sintomas ng kinatatakutang Covid-19.
Ayon DiMarco, alam niyang limitado lamang ang Covid-19 test kits at ayaw niyang makipag-agawan sa mga mas nangangailangan.
Sa kanyang Instagram post, sinabi ni DiMarco na malaki ang posibilidad na meron siyang coronavirus dahil pinagdaanan niya ang lahat ng sintomas nito.
Pero kahit meron daw siyang access para makapagpasuri, “The reason is because there is a shortage of covid-19 test kits in the U.S. and the sick patients need it more than I do,” ayon sa post ni DiMarco.
“I’d like to stress that testing is important.”
Kabilang umano sa mga narananasan niya ay ang lagnat, panginginig, sore throat at ubo habang hindi na rin niya malasahan ang pagkain at hindi na rin siya makaamoy.
Nagpakonsulta umano siya sa doktor at sinabihan siyang kapag lumala pa ang kanyang pakiramdam ay kailangang talagang magpa-test para sa kaligtasan ng mga tao sa kanyang paligid.
Nag-self isolate na lamang ang model at ngayon umano ay nag-umpisa nang bumuti ang kanyang pakiramdam.
“In a perfect world, I’d take the test,” ayon pa kay DiMarco.
“If you are healthy and have no respiratory issues, I encourage you to be mindful of sick patients that need to get tested more than you do. And stay at home to avoid spreading and help flattening the curve.”