Awra Briguela itinanggi si Feng dela Cruz

Itinanggi ni Awra Briguela na boyfriend niya si Feng dela Cruz sa presscon ng ‘James & Pat & Dave’.

Nauugnay si Awra kay Feng dahil kita ang kanilang closeness sa mga viral TikTok videos nila.

Naniniwala si Awra na sa edad niyang 15 ay bata pa siya para magkaroon ng loveteam.

Handa na siya makipagrelasyon kung nasa tamang gulang na siya, sa taong 2022.

Naging sikat si Awra sa pag-iimpersonate nito kay Sarah Geronimo at Sarah Lahbati.