Avril Lavigne may alay na bagong awit para sa fronliners

Nag-release ng bagong awit ang sikat na singer/songwriter na si Avril Lavigne, kung saan ang mga titik nito ay binigyang inspirasyon at hango sa matapang na paglaban ng mga itinuturing na ‘frontliners’ sa krisis na kinakaharap ng buong mundo na Covid-19 pandemic.

Pinamagatan itong “We are Warriors” na hango sa kanyang dating single na “Warrior” mula sa kanyang album na “Head Above Water.”

Ini-release ang music video nito sa Youtube nito lamang Abril 30, 2020.

Ang titik ng orihinal na kantang “Warrior” ay patungkol noong panahon na magkasakit si Avril Lavigne ng Lyme Disease.

Mula rito ay pinalitan ang ilang titik nito  upang maipatungkol ang “We are Warriors” na maging awit na maaaring pagkunan inspirasyon at lakas ng loob ng mga tinaguriang ‘frontliners’.