Avril Lavigne balik-Pinas sa May 2020

Matapos ang anim na taon ay balik Pilipinas si Avril Lavigne para sa kanyang “Head Above Water” concert tour.

Avril Lavigne
Avril Lavigne (IG)

Ang Canadian pop-punk artist ay magpe-perform sa Araneta Coliseum sa May 20, 2020, ayon sa anunsiyo ng Wilbros Live sa kanilang social media.

Magsisimula ang ticket sales sa December 21.

Ang “Head Above Water” ang ikaanim na studio album ni Avril.