Australians nakaimbento ng 20-minute COVID-19 blood test

Nakaimbento ang mga researcher ng Monash University sa Australia ng blood test na makatutukoy ng COVID-19 infection sa loob lamang ng 20 minutes.

“Short-term applications include rapid case identification and contact tracing to limit viral spread, while population screening to determine the extent of viral infection across communities is a longer-term need,” ayon sa mga researcher sa isang published paper sa ACS Sensors journal nitong Biyernes.

Sa kanilang test, gumamit ito ng 25 microlitres of plasma sa blood samples para maghanap ng agglutination, na sanhi ng coronavirus.

Daan-daang sample ang masusuri sa bawat oras sa kanilang naimbentong blood test.

Inaasahan din nila na maaari itong magamit upang makakita ng mga antibodies para sa bakuna laban sa COVID-19.