Attack on Titan actor Haruma Miura dies at 30

Nakitang patay si Japanese actor Haruma Miura nitong Sabado.

Siya ay 30 taong gulang.

Ayon sa Japan Times, natagpuang walang buhay ang aktor sa kanyang tahanan sa Minato Ward, Sabado ng hapon.

Isinugod pa ito sa ospital ngunit wala na itong buhay.

Sa hiwalay na ulat, ang aktor ay pinaniniwalaang namatay dahil sa suicide.

Si Miura ay kilala sa kanyang pagganap sa live-action films at TV shows tulad ng Attack on Titan at Gokusen.