Atong Ang ‘wag mo ko saktan — Marjorie

Umapela ang aktres na si Marjorie Barretto sa gambling operator na si Atong Ang na huwag itong saktan dahil sa pagsasalita laban sa negosyante.

“Atong ‘wag mo akong saktan,” pakiusap ni Marjorie kay Atong matapos ibuking at wasakin sa publiko nang magpa-interview kay Karen Davila sa TV Patrol.

Sa panayam kay Marjorie ay inakusahan nito si Atong Ang at Gretchen na ugat ng gulo sa burol.

Diumano’y pinaaalis ni Atong sa burol ng matandang Barretto si Nicole na kanilang
pamangkin dahil darating si Atong at Gretchen.

Itinuro din ni Marjorie na pinag-ugatan ng kaguluhan si Claudine dahil nagbitaw umano ito ng salitang “unbelievable” nang tumanggi siyang makipagbati kay Greta sa harapan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasa burol nang sumabog ang gulo.

Si Nicole ayon kay Marjorie ay anak ng kapatid nilang si JJ ay limang taon naging GF ni Ang.

Kaya nakiusap si Marjorie kay Atong na huwag namang sabihing naging sekretarya nya lamang si Nicole.

Giit ni Marjorie, bata pa si�Nicole nang maging GF ni Ang at bata pa ito.