Atong Ang lumutang sa cremation ng ama ng Barretto sisters

Mukhang hindi apektado ng kaguluhan ng Barretto sisters ang nakakaladkad sa eskandalo na kaibigan ni Gretchen na si gambling operator Atong Ang.

Patunay dito ang ibinahagi na video sa Instagram ng kapatid ni Gretchen na si Claudine.

Makikita sa video na bumati si Atong Ang at sa mga batang kasama ni Mommy Inday Barretto habang sakay ng isang sasakyan.

Sinasabing nangyari ang pagkikita matapos ang cremation ng ama ng mga Barretto sa Heritage Memorial Park.