Nicole pinag-aral ko, Claudine tinulungan ko sa kaso, Gretchen kasosyo sa casino, sabong.
Ganito ang buod ng paliwanag ni gambling operator Atong Ang kasunod ng pagkakakaladkad ng kanyang pangalan sa awayan ng Barretto sisters.
Sa opisyal na pahayag ni Ang ganito ang kanyang paliwanag: “Tungkol kay Nicole, mga four to 11 years ago ay nagkakasama kami nang mommy niya.
Kung ano man ang relationship namin, walang kinalaman si Gretchen.
“Si Gretchen kasosyo ko sa casino at saka sabong. Si Tonyboy Cojuangco, kasama ko rin sa casino.”
“May junket ako sa mga casino, si Tony kasosyo ko sa Okada.”
“Kung nagkahiwalay kami nila Nicole walang kinalaman si Gretchen.”
“Ang relasyon namin ni Nicole, parang taga asikaso ng mga flights ko and schedule ko noon.”
“Iyong relasyon kay Claudine, ako ang nag-ayos nang nagkaproblema sila ng anak ni Mayor Martin Castro –‘yun lang ang naging relasyon namin.”
“Si Nicole, pinagaral ko ‘yan, ang nagtrabaho sa akin ‘yung nanay niya. Si Gretchen malapit siya sa asawa ko.”