Atom Araullo, Zen Hernandez magjowa nga ba?

Ito ang tanong ng mga netizens matapos lumitaw ang pictures ng dalawang news personalities sa Balesin Island sa social media.

Binahagi ni news anchor Pinky Webb ang photo nilang tatlo nina Atom at Zen, and teases them.

“It was such a nice surprise Syempre, kinilig ako Kasi, alam mo na……,” caption ni Webb.

“[I]t’s always so nice to see former officemates diba? Family is love Kayo talaga…,” dagdag pa niya.

Shinare din ni Zen ang same photo sa kanyang Instagram account greeting the news anchor a happy birthday.

“Bumped into this island goddess in Balesin. Belated Happy Birthday, @pinkywebb! Bakit muka ka pa ring 30, eh di ba 32 ka na? #latepost.”

Isa pa sa nagpakilig sa mga netizens ang recent photo ni Zen, na kung saan nag-comment si Atom na lagyan ng photo credit ang nasabing post.

“Bakit walang photo credit,” tanong ni Atom.

Ngayon, mayroon ng credit si Atom sa nasabing photo.

Matagal nang usap-usapan kung nagda-date nga ba ang dalawa.

Nagkatrabaho ang dalawa sa ABS-CBN morning show Umagang Kay Ganda.

Nasa GMA na ngayon si Atom at nasa ABS-CBN pa rin si Zen.